Parang kailan lang e kakacelebrate lang ng bertday ko tapos now, mga ilang araw na lang bertday na naman.Halos isang taon na rin palang kumekembot ang liyad na pechay ko sa Barangay Rotnas at mag wa-wan yir na din palang nagkekembangan ang mga gulay ko sa bahay na hubo.
Kung meron man pinakamabilis na bagay sa mundong ibabaw, nasisisguro ko talo pa neto si Lydia de Vega. Ning, sa sobrang bilis neto kahit si “Flash” hindi uubra sa karera. At pag ito ang kumarempang ng takbo, kahit me super powers ka, hindi mo sha kayang unahan.
Oo teh! Yes kuyang! Napakabilis nang panahon. Parang kelan lang nagtatampisaw ako ng hubo’t hubad at basang basa sa ulan, walang sinisilungan… walang lumalapit (basa nga e diba?).
At mag-iisang taon na rin akong kumekyeme ng mga kaganapan sa bahay na BBB. Pati yata litanya ni Aling Lucresia slash Aling Elsa e kabisado ko na. Pati ang pagkendeng ng mga bubuli, pati ang huni nang mga kuliglig at sayawan ng mga alitangya e parte na ata ng kuyangyangan.
Akalain mo yun, mag-iisang taon na din palang naililibing ang tatay? Ang bilis nang panahon, mag-iisang taon na din palang ayaw akong tantanan ng lecheng kalungkutan.
Buti na lang naisipan kong lumiyad. Buti nalang nanjan ang mga gulay ko. Buti na lang si pechay lagi kong kasabay. At buti na lang, si pipino, talong at okra ko, laging nandirito.
Feeling ko kasi madalas, time stands still pag nagsusulat ako. Parang mag-isa lang ako sa eksena at ang kamera eh umiikot ikot lang sa mukha ko habang kinukunan ang pinaka-shala kong anggulo. Mejo isa-sideview ko yung pisngi para ganda-gandahan talaga ang kuha. Yun mukhang pang tele-novela at kutis na daig pa ang kinang at kinis ni Papa P. Pang-dramarama sa hapon, pang tele-babad sa gabi, pak!
Ang sarap talaga magmuni-muni lalo na pag naka-hair clay lalu na kung “Bench”. Ang sarap ding mag-esep-esep pag Amoy green tea at incanto. Masarap magmuni muni sa liwanag ng mga aromatic candles na amoy bamboo grass at mas masarap mag-emote pag me soundtrack: "I fall all over again" tsaka "thumb thumping" na kinakanta ng katabi kong inlove sa station.
Ang sarap din makipagtawanan ng bonggang bongga sa mga birada ni Papa Jack! Tapos bigla kang gagatungan ni Besko (sino sha? Abangan!) Alam mo yun, yun tawanan na sagad hanggang lapay. Yun hagakgakan na umaabot hanggang bone marrow at yun hagalpakan na sagad hanggang singit ng kasingitsingitan!
Pero pagkatapos ng tawanan, etu na… ang kalungkutan mang-aagaw ng eksena!
Nagsimula akong mag-esep esep nung me nakatabi akong nanay na me kargang sanggol sa mercury drug. Bumibili ako nun ng Eltroxin para sa tunay kong ina. Tapos habang nagwawalk ako sa hallway ng NE Pacific e bigla ko naman na sightness yun isang mama na me akay akay na toddler, naka short with matching checkered polo at cap pa yun baby. Ang ganda nilang tingnan. Nakaka-inggit na abot hanggang pechay ko!
Parang na-trigger ang father's instinct sa kin. Me parang humihila sa lapay ko nung mga sandaling yun na di ko maintindihan. Tapos eh napanood ko yung "Little Boy Big Boy" sa dvd. Then, etung si Papa Jack, pag uwe ko kinagabihan para naman nanadya ang potah, ngi-play ba naman yun song na “Father n’ Son” ay ning, sentimode to the max and sinegwelas ko!
I suddenly realized what's bugging me.
Anak. Junakis. Chikiting. Pamilya!
I considered the possibility of growing old, alone. I've accepted the fact that I might never marry, settle down and have my own family. Mi Vida El Solteros eka nga!
Eh pano pagtanda ko? Pano pag meron na akong senior citizen discount card sa Mercury Drug, sa bus at sa mga fast foods? Basta maya-maya na lang puro matanda na ang nasa isip ko. Matanda. Thunder Cats. Jondits. Ingkong. Mamong. Lolo. Oldy. Golden Liyad. Bigla akong na-orkot. Ay Scary!
Di ako takot malanta ang pechay ko. Lalu naman di rin ako frightened mangulontoy ang pipino at talong ko. Natatakot lang ako sa ideya na balang-araw eh magiging SILA ako. Magiging SILA tayo. Handa na ba ko? Kayo?
E sino ba kasi SILA? Gentu kasi yun…
Kinarir ko na talaga ultimo root word hanggang coined word, isali mo na lahat ng unlapi, gitlapi at hulapi ng pagiging singol. Once you go this way, you can never go back. Sa dami ng kinarir ko, at sa dami ng nakatikim sa alindog kong sintamis ng wine at singtatag ng sunshine, panalo… gudlak!
Talagang there's no turning back.
May sapat na ba kong yaman para magbayad sa private nurse at caregiver? Sinong magpapalit ng diapers ko pag Thursdays? (bananas and milk day sa diet ko) Sinong maglalaba ng mga striped undies ko? Sinong magsasampay ng super bongacious yummylicious na Bench tanga briefs ko? Sinong aakay sa kin papuntang massage parlor pag kinakati ang kuluntoy na pipino ko? Sinong yayakap sa kin pag giniginaw ako sa pagtulog? Alangan namang si bakulaw pa rin? (Si bakulaw ang dakila kong aso na mukhang stuffed toy na teddy bear na me Down’s Syndrome).
Ayyyy Susme, Kakalurki!
Napakiyeme tuloy ako sa mga kakilala kong kaparte ng neyburhud ko ditey sa barangay. All of the suddenly eh inawitan ko ng alin-alin ang naiba ang buhay ng mga kakilala kong garampingat para me clue naman ako kung saan ako patutungo. Para me idea naman ako at bird’s eye view sa aking napipintong pyutur!
Ni-rundown ko ang mga kakilala kong personalidad. Kung baga sa anatomy, me super bonggang dissection, me cross-sectional slash cultural slash anthropological slash philosophical slash suicidal comparison ako kung ano bang kahihinatnan ng mga...
(Titingala sa kamera na nasa kisame.) "Makatas at Sariwa Noon, patuyot na ngayon!"
Hetu na sila…
Case Number 1:
Si Propesor (or profesora?) Imaculada slash Bino Daga (in English, Binorat, ahihihi!). Si Prof. Ima eh prof ko nong college. Super higpit yan koyang! Malakas manlait. Nakakaorkot sa klase, lalo na pag tinawag ka ng walang sabi-sabi. Pag nairita sha sayo, hahamunin ka nya ng pagwapuhan (pagandahan na ata ngayun!), patalinuhan, payamanan, pabanguhan. Dadautin nya kahit kaliit-liitan at kadulu-duluhan ng cuticle at ingrown sa pinkie toe mo. Me sakit pala si Prof. Ima – hepa! Naninilaw ang buong katawan nyan sa sandamakmak na alahas at 18K na kwintas, bracelet. Lahat ata ng daliri nya pati mga nasa paa, me mga singsing. Regalo daw ng kanyang mga kaberks na sosyalan!
Successful in his own right, at pag nag-retire eh yaman-yamanan talaga. Ritchie de Ritchie talaga, ay Bongga!
Meron shang isang ampon na pamangkin. Lahat daw ng ari-arian nyang ipinundar eh ke ampon mapupunta. Congratulations boy!
Case Number 2:
Si Aling Sonya. Si Sonya eh nakilala ko nung kinembot ako ng isang ka-eyebol way back 2001. Dun kami naki-pwesto sa bahay nya sa may Kapitan Pepe. Designer ng mga karosa sa simbahan at mga dekorasyon sa anik-anik na mga events ang lola mo. Pati yung mga food decoration karir nyan. Yung mga pictorial ng jolibee products tsaka, sha nagde-design sa mga pagkain para magmukhang malinamnam at masarap. Ang tema, simu’t sarap talaga!
Yung bahay nya e punong-puno ng mga rebulto at santo. Santa Elene, Santa Rita at lahat na ata ng santa santita e nasa eskaparate nya. Minsan akong nakapasok sa kwarto nya, muntik na akong atakehin sa puso, pati si Santa Claus nakaliyad sa ulunan ng bed nya!
Pero wala siyang asawa. Maganda naman si Aling Sonya. Kung mejo bata bata nga lang sana sya, e baka tinikman ko ang kanyang cauliflower at sinamantala ang kahinaan ahahai! Umaapaw din ang mga bisita nyang pasaway na nagkukuyang-yangan gabi gabi. Lahat ng putahe present. Me kaldereta, me sinigang pati kilawin hindi mawawala. Ay kuyang, pagkatapos ng nomoan, pag mejo hilo na ang sambayanan, teh show kung show… kembangan to the max!
Naalala ko tuloy, nagkasarinlan kame ni Aling Sonya. Ewan ko ba kung bakit ko natanong sa kanya kung nag-iipon ba ang bida, wit nya feel kasi wala naman daw shang tagapagmana. Kaya lulustayin na lang nya lahat habang nasa San Andres pa ang katawang-lupa nya. At pag na-tegi onor (namatay) na sha, goodbye carlo, welcome sa mga fungi!
Case Number 3:
Si Tonet. Taga Pasig sha. Nakilala ko ang garampingat nun nag-wowork pa akengkay sa city. Gabi-gabi kasi pagpauwe na ako galing sa work, nadaanan ko ang kanyang ihaw-ihawan. Kapitbahay namin sha dati na nagtitinda ng barbeque sa kanto. Kung gusto mo ng amoebaiasis at diarrhea, buy na! Kung matibay naman ang sikmura mo eh go na, wag lang araw araw. Pero in fairness masarap talaga ang gawa ng bakla. Kahit dalawa ang katabi nyang barbekyuhan -- as in tabi tabi silang tatlo -- eh sha lagi ang unang umuuwi. At pag loss ng choice ang madlang pipol, sa mga katabi na nya bumibili. Sha talaga ang pinakamasarap. Kaya bilib na bilib rin naman ako sa tibay ng sikmura ng mga tao sa 134 RR Street Soldier Village, Sta Lucia Pasig City. Ahahaha… iladlad ba ang kumpletong address… Pati pala mga taga-village sa tapat namin keri rin ang bbq ni bakla.
Pamangkin ni Tonet dati yung pinaka-pinapantasya kong kapitbahay nung nasa Pasig pako na si Pitchie. Ngayun, ang latest chika, me asawa na si Pitchie pero si Tonet eh nagtitinda pa rin. Walang pundar, walang bowa, walang pamilya. Parang hinihintay na lang nya yung ring ng bell para makapagpahinga na sha. Pero palaban pa rin sa buhay. Sabi nya, pag hindi na nasasarapan ang madlang pipol sa barbekyu nya, pwede na shang mamatay.
Barbeque ni Tonet: Winner! Prepare two tablets of atapulgite tsaka maraming maraming hydrite, pak!
Case Number 4:
Manong sa bungad ng barangay, ang bahay nasa tabi ng Kapilya ng Iglesia. Hehehe. Di ko kasi knows ang namesung nya. Pero kilala ko sa mukha at nakakwentuhan ko na rin minsan. Minsan tindera ng fishball, madalas kargador pero dati shang engineer daw. Me anak na sha, tatlo. Me mga apo na rin. Dati shang nagtatrabaho sa Saudi. Pag-uwi sa Pinas, wala na ang asawa, sumama na sa ibang lalaki. Ngayon eh ang latest, isa sha sa pinakamasugid na barangay tanod ditey samin. Steady ang income pero hikahos pa rin madalas pero di ko pa nakita ang mga anak nya kahit minsan.
Nung tinanong ko sha, sabi nya mabuti na rin daw na iniwan sha ng asawa nya. Nagkachikahan kasi kame nun minsan napagawi ako sa kanto nila. Si babae ang masama sa paningin ng mga anak nila, at dahil don eh natanggap ng mga anak ang dahilan kung bakit sha nagtagal sa Saudi. Wish ko lang malaman ang mga escapades nya sa Riyadh pero wit na.. masyado na pakielamera ang patatas ko… tigil na… baka ma-warlaloo ako sa pagiging tsismoso!
Case Number 5:
Si Vic. Malayong kamag-anak ko sa Laguna. Gano kalayo? Mga ten meters. Ampon sha ng isang mas malayong lola na matagal ng sumakabilang planeta. Si Vic ang dakilang boy ng bayan. Tagahugas ng pinggan. Tagalinis ng babuyan. Taga araro ng sakahan. Naging katiwala pa nga sha ng “dating-ex” (dati na nga ex pa, redundant?) vice mayor namin. Mabait sha. Masipag. All around kung baga. Ilang taon na sha? Ay ning, mag sisingkwenta na pero wala pa shang asawa. Ni kulasisi at kakembangan wala akong nababalitaan. Suki sha ng peryaan. Parokyano ng huwetengan at customer de numero uno ng tong-itans. Sugarol ang vida nya. Halos lahat ng kita nya, ubos at napapatalo lang parati. Dahil dito, sumikat sha ng bonggang bongga sa baryo namin sa Sirang Lupa (aspaltado na ngayon!)
Wala akong ganong nababalitaan tungkol sa lyfsung ni Vic. Kasi nga malayo ako, kaya siguro di ko na naririnig. Pero ang sure ako, iilan lang nilalang na katulad nya sa baryo namin, at nirerespeto sha ng mga tao sa kabila ng pagiging sugarol nya. Ganun pa man, tahimik ang buhay ni Vic, tumutulong sa mga kamag-anak at pinagyayaman ang sarili. Di nga lang maiwasan ang sugalan!
Case Number 6:
Si Aling Bibiana. Naging dating-ex ni Manong na nag-Saudi. Kung paano at bakit sila naging mag-UN? Ay di ko din alam! Dati shang aktibo sa simbahan namin. Sha ang nangunguna sa mga novena at mga parade. May pagka-mongha kasi ang eksena nya parati.
Dun sha nakatira sa kabilang street na may hawig sa iskwater. Pero mabaho pa sa iskwater ang bahay ng lola mo, puro kasi aso. Sha ang pinakamatandang dalaga dito, at lahat ata ng lalaki sa barangay nuon kabataan nya e dumaan sa kanyang mapamintas na kilatis, ultimo yung mga tatay ng mga elementary classmates ko! Dati daw shang elementary teacher nun araw. Sobrang sungit. Ang mukha parating nakasimangot. Kwento pa nga ni tatay nun araw, mahilig daw yan mangurot at manghila ng patilya. Sobrang perfectionista. May pagka sadista. At ang lagi nyang linya habang pinagkikiskis ang dalawang kamay: "kung hindi ka papasa sa standards ko, mabuti pang mag-alaga na lang ng mga aso”. Ang ending, natupad nga… labingtatlo ang aso nya!
Inis na inis ako sa matandang to. E kasi ba naman, pati yun pakikitira dati naman sa lupa ng simbahan e super pakialam ang hitad na mongha! Naging aktibo kasi ako nun kabataan ko sa ibang sekta ng relihiyon. Ang Bibiana, umeksena kesyo daw wala ako utang na loob sa Simbahan na libre kameng pinayagan na manirahan sa lote neto. Pakielamera ang potah!
Case Number 7:
Si Mang Pedrito. Dati din shang OFW. Halos 20 taon sha sa ibang bansa. Naka-ipon ng milyones. Bumalik ng Pinas, sumabak sa pulitika. Nanalo naman nun una. Nun pangalawang laban, lost ang baraha nya. Kasabay sa pagkatalo ng kandidatura nya ang pagkawala ng milyones nya. Nuon ko lang napagtanto, sugal din pala ang pulitika. Kelangan mapera ka at may ikakasa para masiguro ng panalo ang pwesto at lahat ng tao magiging kakosa! Malas mo lang kung ang kalaban mo, mas mapera sayo, panigurado ang mga kakosa mo… balimbingan to the max! Money makes the world go round... lalu na pala sa pulitika!
Etong si Mang Pedrito, ngayun tindero na lang ng mamon sa kanto. Buti kahit papano, sa mamon nya me naeenganyo!
Case Number 8:
Si Ma’am Talya. Panalo ang ganda nya nuong araw. Naging Ms. Barangay pa sha. Muntik na ata maging finalist sa Bb. Pilipinas kaso lang kumati ang pechay nya, ay ipinakamot bigla. Ayun, okay naman naging responsible si honeypie nya. Nagkaroon sila ng 3 anakis. Nakapagtapos lahat. Yun isa dentist, me accountant at yun isa doktora na ata. Pag tinamaan ka nga naman ng malas, malapit na sila ikasal uli ng golden anniversary nang atakehin naman sa puso si honeypie nya. E di tegi honor ang drama. Ganun paman, hindi masyado masakit kasi nga mga anakis nila succesfull na din sa buhay. Ang siste, matapos ang libing, go back to the States agad ang mga supling. Ngayun, balita ko e me pension na lang sha at sustentado ng mga anak. Mukha naman shang Masaya, me pera... yun nga lang mag-isa na lang din sha sa mansion nila.
Case Analysis:
Ano ba formula para masiguro mo na magiging masaya ka hanggang sa pagtanda? Ano bang recipe para magtagumpay ka sa laban ng buhay? Kelangan ba eh uminom ng alaxan ip ar? Ano ba ang ingredients ng isang malinamnam na paglalakbay?
Siguro, sa bawat hakbang, sa bawat sangkap, sa bawat langhap, sa bawat luha, sa bawat halakhak, sa bawat akbay, sa bawat himaymay, sa bawat kandirit, sa bawat cartwheel, at sa bawat paglalakbay, siguraduhin mo lang na di ka naglalakbay ng mag-isa. Magtawag ka ng kasama. Wag kang magtayo ng pader at tanikala. Bumuo ka ng kadenang bulaklak. Bumuo ka ng relasyon ‘wag konsumisyon!
Anu pa man ang kasapitan ng istorya mo. Maging normal ka mang tao o abnormal sa paningin ng lahat. Ang mahalaga e kung papaano mo paninindigan ang iyong mga desisyon. Ang importante, sa bawat oras, sa bawat pagkakataon maging boy scout tayo – laging handa!
Pero sa buhay ko, gaano man ako naging kahanda – bakit nasosorpresa pa din ako?
Ilang araw na lang, November 21 na naman. Birthday ko. First time ko’to nang wala ng tatay na magtetext at babati sakin ng happy birthday. Wala na din kabiruan sa text ng mga message na oo nga’t boring e napapatawa naman ako.
Sa paglipas ng panahon at sa pagdagdag ng bilang ng aking taon, lalu kong napagtatanto na sa buhay nato… walang bagay na permanente. Sa buhay nato, wala ring imposible. Sa buhay nato, lahat pwedeng mangyari. At mas madalas kesa sa inaasahan, puno ng sorpresa. Nga lang, yun surpresa, minsan… shocking at mahirap tanggapin!
May celebration pa kaya? May dapat pa bang I celebrate? Hindi ko alam.
For the first time, wala akong maibigay na magandang ending. Kasi, di pa naman tapos ang kwento ko. At kung malapit ng matapos ang pagkembot ng aking Liyad, bago ko pumasok ng tuluyan sa banga, pramis, bibigyan ko ng ending ang post na ito.











0 Comments:
Post a Comment
May sasabihin ka? Iwan mo na lang dito!